Tatlong Pilipinong Nars, Kauna-unahan sa Nordic Region na Nagtapos bilang Doctor of Health Sciences
Isang makasaysayang tagumpay ang naitala sa larangan ng Filipino nursing diaspora matapos maging tatlong unang Pilipinong nars na nagtapos bilang Doctor of Health Sciences sa Nordic region. Sila ay sina Anndra Dumo Parviainen, Floro Cubelo, at William Son Galanza.
Nordic Region — Isang makasaysayang tagumpay ang naitala sa larangan ng Filipino nursing diaspora matapos maging tatlong unang Pilipinong nars na nagtapos bilang Doctor of Health Sciences sa Nordic region. Sila ay sina Anndra Dumo Parviainen, Floro Cubelo, at William Son Galanza—pawang mga aktibong miyembro ng The Filipino Nurses Association in the Nordic Region (FiNAN). Ang kanilang matagumpay na pagkompleto ng pinakamataas na akademikong antas sa larangan ng kalusugan ay nagpatunay sa lumalawak na kontribusyon ng mga Pilipino sa internasyonal na komunidad ng nursing.
ANNDRA DUMO PARVIAINEN (University of Eastern Finland, 11/2023)
Noong Nobyembre 2023, si Anndra Margareth Dumo Parviainen ang naging unang Pilipinong nars na nagtapos bilang Doctor of Health Sciences sa Finland. Ang kanyang pananaliksik ay nakatuon sa Genomics-Informed Nursing Education, na nagde-develop ng web-based na interbensyon upang mapalawak ang kaalaman ng nursing students sa genomics- isang mahalagang aspeto ng precision medicine sa modernong healthcare.
Dissertation: Genomics-Informed Nursing Education: An Intervention Study
FLORO CUBELO (University of Eastern Finland, 5/2025)
Si Floro Cubelo, kilala sa kanyang gawaing akademiko at adbokasiya sa ethical recruitment ng internationally educated nurses, ay nagtapos noong Mayo 2025. Ang kanyang pananaliksik ang kauna-unahang naglatag ng isang komprehensibong Nurse Labor Migration Model na naglalarawan ng recruitment at integration pathways para sa mga Filipino nurses sa Nordic region.
WILLIAM SON GALANZA (Lund University, Sweden, 12/2025)
Ang ikatlong nagtamo ng Doctorate of Health Sciences ay si William Son Galanza, mula Lund University sa Sweden noong Disyembre 2025. Kanyang sinuri ang paggamit ng teknolohiya upang suportahan ang engagement in everyday activities ng matatandang populasyon, isang makabagong kontribusyon sa larangan ng applied gerontology at ageing-friendly innovations.
Dissertation: Technologies Supporting Engagement in Everyday Activities in Later Life
Isang Panibagong Yugto para sa Filipino Nurses sa Nordic Region
Ang pagtatapos nina Parviainen, Cubelo, at Galanza ay nagmarka ng pag-angat ng Filipino nursing professionals sa Hilangang Europa. Sa magkakaibang larangan( genomics education, ethical labor migration, at ageing technologies)- nagdala sila ng mga inobasyon at bagong kaalaman na makakatulong sa Nordic healthcare systems at maging sa Pilipinas.
Bilang mga miyembro ng FiNAN, sila rin ay naglingkod bilang boses ng Filipino nurses sa usapin ng equity, integration, at professional development. Ang kanilang tagumpay ay inaasahang maghihikayat sa mas maraming Pilipino na pumasok sa advanced research at akademya.
Gusto mo rin bang magdalubhasa sa Nordic Region? Pwede ka namin gabayan bilang miyembro.