Dapat ka bang Lumipat sa mga bansang Nordiko bilang Nars na mahina ang Language level? Mag-isip Mabuti: Baka Ikaw ang Maging Biktima sa Huli
Sa nakalipas na mga taon, naging tanyag ang mga bansang Nordic- Finland, Sweden, Norway, Denmark, Iceland, Greenland at Faroe Islands- bilang mga destinasyon para sa mga Filipino nurses na naghahanap ng mas mataas na sahod, magagandang benepisyo, at balanseng pamumuhay. Totoo, marami itong naiaaalok. Ngunit may isang malaking tanong na madalas na isinasantabi: Handa ka bang manirahan at magtrabaho sa isang bansang ang wika ay halos hindi mo pa alam? May responsibilidad ba ang recruitment agency?